Wednesday, August 19, 2015

Mag-aaral ng Kinder at Day Care nakatanggap ng School Supplies

Sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Tboli at Tribal Mining Corporation ay inilunsad ang proyektong pamimigay ng school supplies sa lahat ng mag-aaral ng kinder at day care sa bayan ng Tboli, nagkaroon ng launching program ang proyektong ito kahapon Agosto 17, 2015 sa barangay Kematu nitong bayan.

May 314 na mag-aaral ng kinder at day care ng nasabing barangay ang binigyan ng school bags na may kasamang school supplies kagaya na lamang ng lapis, papel, kwaderno at krayola.

Ang school bags ay matagal ng proyekto ng alkalde, at marami na ring bata ang nakatanggap nito, ngunit sa pagkakataong ito ay meron na itong laman, sa tulong na rin ng TMC na nagbigay ng P150,000 para mabili ang mga supplies ng mga mag-aaral.




Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Dibu Tuan na dahil sa ang pangunahing programa nitong administrasyon ay ang edukasyon, malaking tulong ang ibinahagi ng TMC upang matustusan ang kakulangan ng ilang mag-aaral, at galak itong nagpasalamat sa inisyatibo ng kompanya.
Ang nasabing programa ay pinapangunahan ng Tribal Mining Corporation Community Relations 

Division sa pamumuno ni Armen A. Tanco sampu ng kanyang mga kasamahan, kabilang din sa programang tinututukan ng division ay ang feeding program sa mga kabataan at libreng gupit tuwing magdaraos ng Dibu Kariton.

Sa bahagi naman ng TMC ay nangako itong patuloy na tutulong sa komunidad ng Tboli, lalo pa at bahagi ito ng kanilang programa sa simula pa lang ng pagtayo ng kompanya, nais nitong sabay na aangat ang komunidad sa pag-angat ng kompanya.

Monday, August 17, 2015

Cultural Dancers ng Poland at Mexico nagtanghal sa Tboli




Bilang bahagi ng selebrasyon ng  International Council of Folklore Festivals na ipinagdiriwang ngayong taon sa siyudad ng Koronadal ay umiikot sa buong rehiyon ang mga delegadong dayuhan upang magtanghal at ipakita ang sarili nilang sining at kultura.

Ang kapistahan ay nagsimula pa noong Agosto 10, at marami na ring bayan sa probinsya ang kanilang napuntahan, at mapalad ang bayan ng Tboli na nagkaroon ito ng pagkakataon na mapili bilang isang lugar sa pag ganap ng mga dayuhan.

Bumisita sa bayan ang mga tagapagtanghal mula sa bansang Poland at Mexico kahapon ng hapon Agosto 16, 2015, mainit na tinanggap ng mga mamayan ng Tboli ang mga bisita, sa pamamagitan ng pag linya ng mga estudyante sa daan na may dala-dalang bandila at naka Tboli attire.

Nagsimula ang munting programa bandang alas 3 ng hapon sa loob ng municipal gymnasium, at hindi na humayaw ang tilian ng mga manood sa mga mananayaw.

Ang bansang Mexico ay inerepresenta ng grupong Ballet Folklorico de Mexico, ang pinagpipitagang Mexican Folkloric Ballet ay nakabase sa Mexico City, itinanghal ng grupo ang iba’t-ibang makukulay na kasuotan na nagpapakita ng tradisyonal na kultura ng Mexico. Ang kanilang mga saway ay inihahalintulad nila sa tardisyonal na pangangaso sa kanilang bansa, kagaya na lamang ng paghuhuli ng mga usa.

Sa kabilang banda, ang grupong Wielkopolanie naman ang nagrepresenta sa bansang Poland, ang grupong ito ay kinula ang kanilang pangalan mula sa kanilang lugar na 
 Weilkopolska, at ipinakita rin ang tradisyonal na musika at pagkanta ng kanilang bayan. Itinanghal rin ng grupo ang kanilang mga tradisyonal na sayaw at nakipaghalubilo pa sa mga manonood sa kanilang sayaw na nagkakapit bisig at umiikot sa buong gymnasium.

Binigyan rin ng pagkakataon na makapagtanghal ang sariling mananayaw ng bayan na inerepresenta ng Tboli National High School Performing Arts sa kanilang pag ganap sa The Legendary Origin of Tboli People.

Isa itong di pangkaraniwang eksperyensya sa bayan na nagdulot na pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan, at bumuo isang pagkakaibigan sa pamamagitan ng pagpapakita ng makukulay na kultura ng isang bayan. 

Wednesday, August 12, 2015

ALS nagsagawa ng pagpupulong



Ang Alternative Learning System o ALS katuwang ang Municipal Multi-Sectoral Alliance Organization ay nagsagawa ng pagpupulong ukol sa konsultasyon at presentasyon ng action plan ng abot-alam program sa municipal health center convention hall kahapon ng hapon Agosto 11, 2015.

Ang Abot-Alam program na may tagline na “No Filipino Youth is Left Behind” ay naglalayong maipasok sa mga community learning center ang mga out of school youth na may edad 15 hanggang 30, ayon sa estastistika aabot sa sampung libo at pitong raang kabataan sa South Cotabato ang Out of School Youth, samantalang mayroong namang higit 300 out of school youth ang naitala sa bayan ng Tboli.

Hinimok ni Dra. Marivic Cabuguas program holder ng ALS sa South Cotabato  ang mga may kakilalang out of school youth na ipasok ito sa ALS at humingi rin ito ng suporta sa lokal na pamahalaan upang maitaguyod ang programang ito.

Bilang tugon, nangako naman ang local na pamahalaan, sa mensahe ni Vice Mayor Grace S. Silva na tutulongan ang programang ito upang mabawasan ang mga kabataang  hindi na nakakapag-aral, sa kabilang banda, nangako rin si Brgy. Captain Alfonso Tanco ng Poblacion na magbibigay siya ng espasyo para mapatayuan ng gusali upang gawing community learning center.

Ang programang Abot-Alam ay nagsasagawa ng klase isang beses bawata linggo lamang, at iniikot nila ang mga barangay sa Tboli West District sa pamumuno ni Julie Latorza ALS coordinator ng distrito.

Ang programa ito ay napasailalim sa pamumuno ng Depertament of Education kaagapay ang National Youth Commission, kasama rin ang ilang ahensiyang makakatulong sa paglinang ng kakayahan ng mga kabataan kagaya ng, Department of Trade and Indutry o DTI, Department of Labor and Employment o DOLE, TESDA, AFP, DAR, DOST at DSWD.

Sa pagpupulong ay nagkaroon din ng pagkakataon ang mga dumalo na pumirma sa isang pledge of commitment upang maisakatuparan at mapalawak ang kaalaman ng mga kabataan lalung-lao na ang mga out of school youth.


Friday, August 7, 2015

School Based Immunization, inilunsad

Ang Department of Health Region XII sa pamumuno ni Regional Director Teogones F. Baluma, MD ay pinangunahan ang kick-off ceremony ng school based immunization na gaganapin sa buong buwan ng Agosto.
Inumpisahan ang seremonya kahapon August 6, 2015 sa isang motorcade at sinundan ng maikling programa na idinaos sa Tboli National High School.
Ang nasabing immunization ay tatanggap ng mga estudyanteng nasa grade 1 at grade 7 lamang, sa kadahilanang sila ang mga bagong mag-aaral ng bawat paaralan.
Ang mga mag-aaral na grade 1 ay makakatanggap ng tetanus-diphtheria vaccine samantalang ang mga grade 7 naman ay bibigyan ng mga vaccines para sa measles, rubella, tetanus at diphtheria o (MRTD).
Ayon kay RD Baluma, dahil nakapagsagawa na sila ng pagbabakuna sa mga batang may edad siyam na buwan hanggang limang taon, ang kanilang target ngayon ay ang mga batang nag-aaral naman.
Sinabi rin nito na sya ay hindi nawawalan ng pag-asa na wala ng batang magkakasakit sa mga inisyatibong ibinibigay ng ating pamahalaan para sa mga problemang pangkalusugan.
Sa mensahe naman ni OIC Schools Division Superintendent Crispen Soliven ay sinabi nitong mapalad ang Tboli dahil dito isinagawa ang kick-off program ng ganitong programa, at umaasa ito na kung hindi man magiging zero ay mababawasan ang mga batang mag dadrop-out sa mga paaralan dahil mabibigyan sila ng mga bakuna upang maiwasan ang pagkakasakit.
Pinasalamatan naman ni Mayor Dibu S. Tuan ang lahat ng mga dumalo sa programa, at pagpili sa bayan ng Tboli bilang unang tumanggap ng school-based immunization, dagdag pa ni Mayor Tuan  na “sa dami ng mga programa at proyektong idinadaos sa Tboli ay wala kaming tinatanggihan, lalung-lalo na yung mga programang may kinalaman sa kalusugan at nutrisyon ng aming mamamayan”
Sa ginanap na kick-off program, meron lamang dalawampung estudyante ang binakunahan, sampu sa grade 1 at ang natirang sampu naman sa grade 7.

Ang ilan pang estudyante ay makakatanggap ng pagbabakuna na isasagawa ng mga health workers, midwives at nurses sa kani-kanilang mga paaralan.




Tuesday, August 4, 2015

OMAG, nakatanggap ng insentibo mula sa PAMANA at BUB

Nakatanggap ng insentibo sa ilalim ng programa ng PAyapa at MAsaganang PamayaNAn o (PAMANA) at Bottom-up Budgeting o (BUB) ang Office of the Municicipal Agriculture ng Tboli, na ipinagkaloob kahapon, July 30, 2015 sa Regional Center, Carpenter Hill, Koronadal City.

Umabot sa Forty Four million, one hundred thirty one thousand sixty six ang kabuuang halaga na ipinagkaloob sa OMAG na sya namang nakatakdang gagamitin sa lahat ng ipinapatupad na mga programa nito na kinabibilangan ng High Value Crops development Program, Agri-Pinoy Program on Livestock, Small-Scale Irrigation Projects (SSIPs), Organic Agriculture, Agri-Pinoy Program on Corn, Farm to Market Roads, at iba pang mga proyekto.

Dumalo din kahapon ang isang daan at tatlumpong (130) mga magsasaka mula dito sa bayan ng Tboli na kinabibilangan na rin ng mga empleyado ng OMAG sa pangunguna ni Municipal Agriculturist Oliva Miramon.
Ayon kay Miramon, sa isinagawang raffle draw, nakatanggap ng tatlong kalabaw ang tatlong magsasaka na nag mula sa baryo ng Lamsalome at isang 60 kls.na baboy ang napunta kay Jimbo Ngato ng Brgy. Kematu.

Inimbitahan din upang dumalo sa nasabing okasyon sina Agriculture Secretary Alcala,na syang nanguna sa pag distribute ng halos P1.3 B worth of  projects and  assistance mula sa national  government  para sa grupo ng mga magsasaka at  mangingisda at  LGU sa SOCCSKSARGEN Region (Region 12), Mindanao Development Authority (MinDA) Secretary Luwalhati Antonino at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Secretary Joel Villanueva. (by Geraldine Tangcala, picture by OMAG Tboli) 

Monday, August 3, 2015

17 katao na ospital dahil sa ‘Food Poisoning’

Umabot sa 17 ka tao ang na ospital kahapon, Agosto 2, dahil umano sa sobrang pananakit ng tiyan matapos silang kumain ng panis na bihon.

Ayon kay Sanitation Officer Haydee Golinggay ng Municipal Health Office, napag-alaman ng kanilang tanggapan na ang mga biktima ay mula sa sitio Bliss ng Barangay Poblacion, Tboli na nabigyan ng tirang pagkain mula sa isang okasyon.

Dagdag pa ni Golinggay, ang mga pasyente ay sinugod sa Moorehouse Hospital upang mabigyan ng kaukulang lunas habang may tatlo namang naging Out Patients. Samantala, ang mga pasyente ay lalabas na ng ospital ngayong araw.

Idiniklara naman ng municipal health office bilang ‘case close’ ang nasabing insidente matapos na napag-alamang gumaling na ang mga pasyente.


Sa kaniyang minsahe kaninang umaga, sinabi ni Mayor Dibu S. Tuan na siyang nababahala sa pangyayari at nais niyang ipaabot na kung may mga tao pang nakakaramdam ng pananakit ng tiyan buhat ng pagkain ng nasabing bihon, ay magpa check-up na sa doktor habang maaga pa at nang mabigyan na ng karampatang lunas.

Friday, July 31, 2015

LGU Tboli, ipinagdiwang ang buwan ng Nutrisyon

Ang buwan ng Hulyo ay tinuturing na National Nutrition Month, at sa taong ito ang selebrasyon ay nagtataglay ng temang “Timbang Iwasto sa Tamang Nutrisyon at Ehersisyo”. Ang lokal na pamahalaan ng Tboli ay naki-isa sa pagdiriwang ng okasyon sa pamamagitan ng isang cumination program na ginanap noong Hulyo 28, 2015 sa Municpal gymnasium. 

Naging highlight ng kulminasyon ang cooking contest para sa mga punong baranggay na nagluto ng native na manok at gulay bilang pangunahing kasangkapan, mayroong anim na baranggay ang naglaban-laban sa paligsahan, kabilang sa mga sumali ay ang baranggay ng Lamsalome, Poblacion, Desawo, Lemsnolon, Kematu at Afus.

Tinanghal na panalo sa 1st Place si Hon. Mansueto Dela Peña ng Kematu at sumunod ay si Hon. Alfonso Tanco ng Poblacion sa pangalawang pwesto at sa pangtlong pwesto naman si Hon. Steven Lutan ng Lemsnolon. Ang nanguna sa paligsahan ay ipapadala bilang representante ng bayan para sa Provincial Nutrition Culmination na gaganapin naman sa bayan ng Banga sa July 31, 2015.

Nagkaroon din ng contest para sa mga A-1 child, kung saan ay papasyahan ang pinakamalusog na batang may edad apat hanggang anim sa pamamagitan ng kanilang Body Mass Index o BMI, ang mga batang kwalipikado para sumali ay yung may mga dala-dalang growth monitoring card, tinanghal na panalo bilang pinakamalusog na bata ayon na rin sa pagsubaybay sa kanyang BMI ay si Tedjay Marcelo ng baranggay Poblacion.

Para naman sa pakikibahagi ng mga empleyado ng munisipyo ay nagkaroon ng kompetisyon sa pinakamalusog na departamento sa pamamagitan pa rin ng pagkuha ng Body Mass Index ng mga regular na empleyado, tinanghal sa unang pwesto ang Municipal Social Welfare and Development Office bilang may pinakamalusog na empleyado at sa pangalawang pwesto ang Office of the Municipal Agriculturist at Municipal Planning and Development Office sa pangatlong pwesto.


Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Dibu S. Tuan ay dapat nating pangalagaan an gating kalusugan, dahil ito lamang ang ating pinakamabisang puhunan, at hinikayat nito ang mga dumalo na mag ehersisyo at kumain ng pinakamainam na pagkain para sa ating kalusugan.