Sa
pagdiriwang ng World Arbor Day, isang tree planting activity ang isinagawa ng lokal
na pamahalaan ng Tboli sa pamumuno ni Mayor Dibu S. Tuan kahapon Hunyo 29, 2015
sa Sitio Kule, Barangay Salacafe ng nasbing bayan, ito ay dinaluhan ng grupong
Scott Riders Philippines Inc. (South Cotabato Chapter) na pinangungunahan ng
kilalang motocross rider sa lalawigan na si Nonoy Zambra at sampu ng kanyang
mga kasama.
Isinagawa ang
pagtatanim ng mga punong kahoy sa isa’t kalahating ektaryang area ng bagong
school site ng Salacafe Elementary School - Kule Extension na
pinagtulong-tulongan ng mga tao sa kumunidad na maitayo ang bagong paaralan. Kasabay
na rin nito ay ang pagdaos ng Dibu Kartion isa sa pangunahing programa ng
administrasyon ngayon.
Bilang adbokasiya
ng grupong Scott Riders, sila ay umiikot sa mga bayan sa lalawigan gamit ang
kani-kanilang mga motorsiklo upang maipaabot sa mga kumunidad na kailangan
pangalagaan ang ating kapaligiran, magtanim ng mga punong kahoy at iwasan ang
pagputol nito.