Friday, July 31, 2015

LGU Tboli, ipinagdiwang ang buwan ng Nutrisyon

Ang buwan ng Hulyo ay tinuturing na National Nutrition Month, at sa taong ito ang selebrasyon ay nagtataglay ng temang “Timbang Iwasto sa Tamang Nutrisyon at Ehersisyo”. Ang lokal na pamahalaan ng Tboli ay naki-isa sa pagdiriwang ng okasyon sa pamamagitan ng isang cumination program na ginanap noong Hulyo 28, 2015 sa Municpal gymnasium. 

Naging highlight ng kulminasyon ang cooking contest para sa mga punong baranggay na nagluto ng native na manok at gulay bilang pangunahing kasangkapan, mayroong anim na baranggay ang naglaban-laban sa paligsahan, kabilang sa mga sumali ay ang baranggay ng Lamsalome, Poblacion, Desawo, Lemsnolon, Kematu at Afus.

Tinanghal na panalo sa 1st Place si Hon. Mansueto Dela Peña ng Kematu at sumunod ay si Hon. Alfonso Tanco ng Poblacion sa pangalawang pwesto at sa pangtlong pwesto naman si Hon. Steven Lutan ng Lemsnolon. Ang nanguna sa paligsahan ay ipapadala bilang representante ng bayan para sa Provincial Nutrition Culmination na gaganapin naman sa bayan ng Banga sa July 31, 2015.

Nagkaroon din ng contest para sa mga A-1 child, kung saan ay papasyahan ang pinakamalusog na batang may edad apat hanggang anim sa pamamagitan ng kanilang Body Mass Index o BMI, ang mga batang kwalipikado para sumali ay yung may mga dala-dalang growth monitoring card, tinanghal na panalo bilang pinakamalusog na bata ayon na rin sa pagsubaybay sa kanyang BMI ay si Tedjay Marcelo ng baranggay Poblacion.

Para naman sa pakikibahagi ng mga empleyado ng munisipyo ay nagkaroon ng kompetisyon sa pinakamalusog na departamento sa pamamagitan pa rin ng pagkuha ng Body Mass Index ng mga regular na empleyado, tinanghal sa unang pwesto ang Municipal Social Welfare and Development Office bilang may pinakamalusog na empleyado at sa pangalawang pwesto ang Office of the Municipal Agriculturist at Municipal Planning and Development Office sa pangatlong pwesto.


Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Dibu S. Tuan ay dapat nating pangalagaan an gating kalusugan, dahil ito lamang ang ating pinakamabisang puhunan, at hinikayat nito ang mga dumalo na mag ehersisyo at kumain ng pinakamainam na pagkain para sa ating kalusugan.





27th IB namigay ng school supplies sa Sitio Bila and Sitio Kule

Mahigit 500 na set ng school supplies ang binigay ng 27th Infantry Battalion ng Philippine Army sa mga estudyante ng Sitio Bila Elementary School sa Barangay Tudok at Salacafe Elementary School – Sitio Kule Extension noong Miyerkules, July 28, 2015.

Ayon kay Lt. Abel Porto ng Charlie Company ng 27th IB, mahigit 300 na estudyante sa Sitio Bila at 164 naman sa Sitio Kule ang nabibiyaan ng school bags, notebooks at ball pens.

Binanggit din ni Lt. Porto na ang nasabing outreach activities ay isa sa mga proyekto ng 27th Infantry Battalion upang matulongan ang mga kabataan na nangangailangan sa pamamagitan ng Community Development Program nito.

Dagdag pa nya, ang mga schools supplies ay mula sa Cherry Mobile Corporation, isang kompanya na gumagawa at nagbebenta ng cellular phones, na tumulong upang maisakatuparan ang proyekto.


Ipina-abot din nito na ang kanilang batalyon ay nagsagawa ng kaukulang koordinasyon sa mga barangay officials at school officials sa nasabing mga lugar bago ginanap ang nasabing outreach activities. (all photos by 27th IB Phil. Army)




NNC Personnel, surpresang nag monitor sa Radyo Katribu

Surpresang bumisita sa Radyo Katribu kahapon, Hulyo 30,  ang mga representante ng National Nutrition Council mula sa Main Office sa Manila at Regional Office 12 upang i-monitor ang operasyon ng community radio.

Ayon kay Marilou Enteria, Nutrition Officer IV ng NNC at pinuno ng grupo, ang nasabing monitoring activity ay ginagawa upang malaman ng kanilang ahensya ang operasyon at programming ng bulwagan.

Sinabi niya na may nakikita silang positibong pag-ulad sa estasyon lalo na sa magandang broadcast and technicians booths pati na ang inisyatibo ng radio management kagaya ng live streaming na gamit ang internet upang mapakinggan ng mga nasa ibang bansa ang mga programang isinasahimpapawid.

Anya, ang live stream ay isang magandang paraan ng broadcast extension at masaya silang nalaman ito marahil mag-dadalawang buwan palang noong Honyo ang Radyo Katribu pero nakapag live stream na ito.

Dagdag pa ni Enteria, kailangan lamang ng dagdag pang ‘talking time’ sa pamamagitan ng pagbuo ng karagdagang programa upang makamit ang 60% talking at 40% music time sa kabuoang air time ng radio station batay na rin sa napagkasunduan sa Memorandum of Agreement na pinirmahan ng NNC at ng local na pamahalaan ng Tboli.


Ang NNC ay isang ahensya ng pamahaalan na nagpapatupad ng mga program sa nutrisyon na siya nag bigay ng broadcast equipment ng Radyo Katribu pati na ang manpower capacitation training ng mga empleyado nito.


1,000 ka tao nakabenipisyo sa Dibu Kariton sa Laconon

Tinatayang nasa isang libu ka tao ang nakabenipisyo sa ginanap na Dibu Kariton Outreach Activity sa Barangay Laconon covered court kapahon, Hulyo 30.

Ayon kay Mispah Sunshine Perong na siyang pinuno ng Dibu Kariton Outreach Program, masaya silang nakita ang pagtanggap ng mga residente sa ibat-ibang serbisyo pati na ang magandang koordinasyon ng mga barangay officials ng Laconon para sa nasabing aktibidades.

Nabanggit din ni Perong na halos lahat ng regular services ang ginanap maliban sa ‘circumcision’ o pagtutuli dahil nagkaroon na ng ‘Operation Tuli’ kamakailan lang sa Laconon.

Pinasalamatan din niya ang mga service-providers mula sa local na pamahalaan ng Tboli at mga volunteers mula sa Philippine Army, Tribal Mining Corporation at Mai Saloon na patuloy na tumutulong sa programa upang mabigyan ng panahon ang mga ‘depressed communities’.

Kasabay ng Dibu Kariton, nagkaroon din ng Blood Letting activity sa Barangay Health Center ng Laconon na pinangunahan ng mga empleyado ng South Cotabato Provincial Hospital. Layunin nito ang paghikayat sa mga mamamayan na magbigay ng dugo upang may ma-iimpok sila sa Blood Bank nang sa gayon ay may magagamit sila sa oras na kailangan nila ito o ng kanilang mga pamilya.

Nagbigay din ng panahon si OIC-Licensing Officer Maria Arlyn Tanco upang naibahagi ang mga serbisyo at programa ng kanyang tanggapan at upang makausap ang mga tao lalo na ang mga business establishment owners sa kanilang mga obligasyon.


Samantala, nagsalita din si Dr. Salvecio B. Dagang, Municipal Administrator ng Tboli at siya ring Municipal Tribal Chieftain o ‘Kulu Datu’ ukol sa mga program na kanilang ginagawa lalo na sa usapin ng Ancestral Domain nang sa gayon ang mga lupain ay magagamit at magbigay ng magandang kabuhayan lalong-lalo na sa mga mahihirap na mga katutubo.

DepEd Tboli, Idinaos ang Municipal Athletic Meet

Nagsimula na kahapon Hulyo 30, 2015 ang Municipal Athletic Meet na pinamumunoan ng DepEd Tboli na magtatapos sa Agosto 1 na ginaganap sa Lugan Central Elemetary School, ang paligsahang pampalakasan ay dinaluhan ng Tboli West at East District at ng mga paaralang pang sekundaryang sakop ng bayan.

Ang municipal meet ay isinagawa para lamang sa mga indibidwal na laro, kagaya ng athletics, badminton, table tennis, chess, taekwondo at iba pa, hiniwalay ang larong inbidwal sa larong pang grupo para matutukan ang bawat sektor ng laro.

Ayon pa ka Gladen Licayan, Principal ng Desawo Elementary School, gayun na rin ang Tournament Manager for Athletics ng Tboli Athletics Association na dahil inihiwalay ang indibidwal at group games ay madodoble ang gastos ng mga paaralan, ngunit mas mainam na rin ito upang lalong mabuhosan ng atensyon ang bawat laro dahil ganito na rin ang patakaran pag dating naman sa South Cotabato Provincial Meet.    

Inaasahang sa darating na buwan ng septyembre naman gaganapin ang Municipal Meet para sa mga group games kagaya ng Volleyball, Football, Basketball, Sepak Takraw, Baseball at marami pang iba.







Ang mga batang magwawagi sa indibidwal na laro ang magiging representante ng bayan para sa gaganaping South Cotabato Provincial Athletic Meet. (photo by Albert Rae Bañas of Tboli National High School and Abelardo A. Serofia) 

Monday, July 27, 2015

Dalawang bagong motorsiklo ng Traffic Unit binasbasan


Sa pagsasakatuparan ng Municipal Ordianance bilang 108 o road safety and traffic management code ay binasbasan kaninang umaga July 27, 2015 kasabay sa pagdaraos ng flag raising ceremony ng lokal na pamahalaan ng Tboli ang dalawang bagong motorsiklo na iginawad sa Municipal Traffic Unit na pinamumunoan ni Abas Ladturan.

Binasbasan ang dalawang unit ng Motorstar Explorer 150z sa pangunguna ni Pastor Elking Maguan.

Ang motorsiklo ay nagkakahalaga ng (P56, 000) limamput anim na libong piso bawat isa at na pinundohan ng Municipal Mayors Office.

Binili ang mga motorsiklo para sa mabilis na pag-aksyon ng ating mga traffic enforcers at ng mas mapabisa at epektibo ang kanilang pagbabantay sa ating mga daan at sa trapiko ng ating bayan.



Dinagdagan din ng mga warning devices ang mga motosiklo kung saka-sakaling magkaroon ng hindi inaasahang pangyayaring magaganap sa kanilang pagbabantay.

Units at Department Heads ng LGU Tboli, sumailalim sa Team Building at Personality Development Seminar

Naging matagumpay na idinaos ang kauna-unahang Team Building and Personality Development Seminar ng lokal na pamahalaan ng Tboli na ginanap sa Isla Jardin del Mar, Gumasa, Glan, Sarangani Province noong nakaraang July 23 hanggang 24, 2015 na dinaluhan ng mga department at unit heads ng munisipyo, sa pangunguna ng Human Resource and Development Unit na pinamumunoan ni Tita L. Apusaga.

Ang personality development ay isinagawa para mahasa ang kakayahan ng pinuno ng mga departamento sa pamamahala ng kanilang opisina at mga tauhan, at ito ay  pinangasiwaan ng Human Resource Development Division ng Provincial government ng South Cotabato sa pangunguna ng kanilang head na si Roditt Delfino, Ph. D kasama ang kanyang staff na si Maria Faith Magbanua na pareho ding naging resource person sa kabuoan ng pagsasanay.

Nagkaroon ng workshop ang mga kalahok para maipakita ang pinakamabisang paraan sa pagpapatakbo ng kanilang departamento, naituro din sa kanila ang mga makabagong paraan sa pangangasiwa ng isang grupo o institusyon at ang iba’t ibang katangian ng isang mahusay na lider.

Sa gabi ng pagsasanay ay ipinakita ng mga kalahok na nahati sa tatlong grupo ang kanilang talento sa pag-arte kung saan ay ihahalinatulad nila ang kanilang dula sa mga tunay na kaganapang nangyayari sa loob ng isang institusyon. Kung anu ang pinakamianam na gawin upang masulusyonan ang mga problemang darating sa kanilang pamamahala.



Maayos na nagtapos ang pagsasanay noong biyernes at inaasahan ni Mayor Dibu S. Tuan na magagamit ng mga kalahok ang kanilang natutunan upang mapabuti at maging mas epektibo ang pamamalakad ng ating gobyernong lokal sa bayan ng Tboli.

Monday, July 20, 2015

Mga entry ng bayan ng Tboli sa Tnalak Festival, pasok sa lahat ng kategorya


Pasok sa pwesto sa  tatlong kategorya ng Street Dancing Competition ang bayan ng T’boli sa pagdaraos ng 49th Foundation Anniversary at 16th T’nalak Festival sa Probinsya ng South Cotabato noong Sabado July 18, 2015.

Naging matagumpay ang paligsahan sa street dancing competition na nilahokan ng iba’t-ibang munisipyo na sakop ng South Cotabato.
Sa Madal be Lan, nasungkit ng Santa Cruz Mission School Incorporated ng Bayan ng Lake Sebu ang tropeyo bilang kampeon, na sinundan ng Lemsnolon Elementary School ng bayan ng T’boli bilang first runner up at ng Tampakan Central Elementary School ng bayan ng Tampakan sa 2nd runner up.



Samatalang ang kategorya sa kasadyahan sa kapatagan ay tinanghal na kampeon ang kalahok ng Bayan ng Norala at nakuha naman ng T’boli national High School ng Bayan ng T’boli ang unang pwesto o (1st place) na sinundan naman ng lungsod ng Koronadal na inirepresenta ng Koronadal National Comprehensive High School o KNCHS.


Tinanghal namang kampeon sa kategoryang Kadsagayan sa Lalan ang bayan ng Santo Nino, habang 1st Runner-up ang Edwards National School ng Bayan ng T’boli at sinundan naman ng Bayan ng Tantangan.


Nasa labing dalawang (12) pangkat ang lumahok sa tatlong kategorya ng nasabing patimpalak. Ang mga mapapalad na mga kalahok na naging kampeon ay makakatanggap ng P150,000.00 (one hundred fifty thousand pesos) at isang tropeyo, P125,000.00(one hundred twenty five thousand pesos) naman ang 1st runner-up at P100,000.00(one hundred thousand pesos) ang 2nd Runner-Up.







Gayun paman nasungkit din ng bayan ng T’boli ang pang apat na pwesto sa Awit Dula at Sayaw o ADUSAY na inirepresenta ng Tboli IP youth representatives at Tboli Performing Art sa pamamahala ng Tribal Affairs Unit na ginanap noong July 17 ng hapon sa harap ng Provincial Capitol of South Cotabato at pang apat din sa Bahay Kubo Display competition na ginanap naman ang final judging noong araw ng sabado, July 18, 2015.