Friday, July 31, 2015

LGU Tboli, ipinagdiwang ang buwan ng Nutrisyon

Ang buwan ng Hulyo ay tinuturing na National Nutrition Month, at sa taong ito ang selebrasyon ay nagtataglay ng temang “Timbang Iwasto sa Tamang Nutrisyon at Ehersisyo”. Ang lokal na pamahalaan ng Tboli ay naki-isa sa pagdiriwang ng okasyon sa pamamagitan ng isang cumination program na ginanap noong Hulyo 28, 2015 sa Municpal gymnasium. 

Naging highlight ng kulminasyon ang cooking contest para sa mga punong baranggay na nagluto ng native na manok at gulay bilang pangunahing kasangkapan, mayroong anim na baranggay ang naglaban-laban sa paligsahan, kabilang sa mga sumali ay ang baranggay ng Lamsalome, Poblacion, Desawo, Lemsnolon, Kematu at Afus.

Tinanghal na panalo sa 1st Place si Hon. Mansueto Dela Peña ng Kematu at sumunod ay si Hon. Alfonso Tanco ng Poblacion sa pangalawang pwesto at sa pangtlong pwesto naman si Hon. Steven Lutan ng Lemsnolon. Ang nanguna sa paligsahan ay ipapadala bilang representante ng bayan para sa Provincial Nutrition Culmination na gaganapin naman sa bayan ng Banga sa July 31, 2015.

Nagkaroon din ng contest para sa mga A-1 child, kung saan ay papasyahan ang pinakamalusog na batang may edad apat hanggang anim sa pamamagitan ng kanilang Body Mass Index o BMI, ang mga batang kwalipikado para sumali ay yung may mga dala-dalang growth monitoring card, tinanghal na panalo bilang pinakamalusog na bata ayon na rin sa pagsubaybay sa kanyang BMI ay si Tedjay Marcelo ng baranggay Poblacion.

Para naman sa pakikibahagi ng mga empleyado ng munisipyo ay nagkaroon ng kompetisyon sa pinakamalusog na departamento sa pamamagitan pa rin ng pagkuha ng Body Mass Index ng mga regular na empleyado, tinanghal sa unang pwesto ang Municipal Social Welfare and Development Office bilang may pinakamalusog na empleyado at sa pangalawang pwesto ang Office of the Municipal Agriculturist at Municipal Planning and Development Office sa pangatlong pwesto.


Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Dibu S. Tuan ay dapat nating pangalagaan an gating kalusugan, dahil ito lamang ang ating pinakamabisang puhunan, at hinikayat nito ang mga dumalo na mag ehersisyo at kumain ng pinakamainam na pagkain para sa ating kalusugan.





No comments:

Post a Comment