Umabot
sa 17 ka tao ang na ospital kahapon, Agosto 2, dahil umano sa sobrang pananakit
ng tiyan matapos silang kumain ng panis na bihon.
Ayon
kay Sanitation Officer Haydee Golinggay ng Municipal Health Office,
napag-alaman ng kanilang tanggapan na ang mga biktima ay mula sa sitio Bliss ng
Barangay Poblacion, Tboli na nabigyan ng tirang pagkain mula sa isang okasyon.
Dagdag
pa ni Golinggay, ang mga pasyente ay sinugod sa Moorehouse Hospital
upang mabigyan ng kaukulang lunas habang may tatlo namang naging Out Patients.
Samantala, ang mga pasyente ay lalabas na ng ospital ngayong araw.
Idiniklara
naman ng municipal health office bilang ‘case close’ ang nasabing insidente
matapos na napag-alamang gumaling na ang mga pasyente.
Sa
kaniyang minsahe kaninang umaga, sinabi ni Mayor Dibu S. Tuan na siyang
nababahala sa pangyayari at nais niyang ipaabot na kung may mga tao pang
nakakaramdam ng pananakit ng tiyan buhat ng pagkain ng nasabing bihon, ay magpa
check-up na sa doktor habang maaga pa at nang mabigyan na ng karampatang lunas.
No comments:
Post a Comment