Wednesday, August 12, 2015

ALS nagsagawa ng pagpupulong



Ang Alternative Learning System o ALS katuwang ang Municipal Multi-Sectoral Alliance Organization ay nagsagawa ng pagpupulong ukol sa konsultasyon at presentasyon ng action plan ng abot-alam program sa municipal health center convention hall kahapon ng hapon Agosto 11, 2015.

Ang Abot-Alam program na may tagline na “No Filipino Youth is Left Behind” ay naglalayong maipasok sa mga community learning center ang mga out of school youth na may edad 15 hanggang 30, ayon sa estastistika aabot sa sampung libo at pitong raang kabataan sa South Cotabato ang Out of School Youth, samantalang mayroong namang higit 300 out of school youth ang naitala sa bayan ng Tboli.

Hinimok ni Dra. Marivic Cabuguas program holder ng ALS sa South Cotabato  ang mga may kakilalang out of school youth na ipasok ito sa ALS at humingi rin ito ng suporta sa lokal na pamahalaan upang maitaguyod ang programang ito.

Bilang tugon, nangako naman ang local na pamahalaan, sa mensahe ni Vice Mayor Grace S. Silva na tutulongan ang programang ito upang mabawasan ang mga kabataang  hindi na nakakapag-aral, sa kabilang banda, nangako rin si Brgy. Captain Alfonso Tanco ng Poblacion na magbibigay siya ng espasyo para mapatayuan ng gusali upang gawing community learning center.

Ang programang Abot-Alam ay nagsasagawa ng klase isang beses bawata linggo lamang, at iniikot nila ang mga barangay sa Tboli West District sa pamumuno ni Julie Latorza ALS coordinator ng distrito.

Ang programa ito ay napasailalim sa pamumuno ng Depertament of Education kaagapay ang National Youth Commission, kasama rin ang ilang ahensiyang makakatulong sa paglinang ng kakayahan ng mga kabataan kagaya ng, Department of Trade and Indutry o DTI, Department of Labor and Employment o DOLE, TESDA, AFP, DAR, DOST at DSWD.

Sa pagpupulong ay nagkaroon din ng pagkakataon ang mga dumalo na pumirma sa isang pledge of commitment upang maisakatuparan at mapalawak ang kaalaman ng mga kabataan lalung-lao na ang mga out of school youth.


No comments:

Post a Comment