Monday, August 17, 2015

Cultural Dancers ng Poland at Mexico nagtanghal sa Tboli




Bilang bahagi ng selebrasyon ng  International Council of Folklore Festivals na ipinagdiriwang ngayong taon sa siyudad ng Koronadal ay umiikot sa buong rehiyon ang mga delegadong dayuhan upang magtanghal at ipakita ang sarili nilang sining at kultura.

Ang kapistahan ay nagsimula pa noong Agosto 10, at marami na ring bayan sa probinsya ang kanilang napuntahan, at mapalad ang bayan ng Tboli na nagkaroon ito ng pagkakataon na mapili bilang isang lugar sa pag ganap ng mga dayuhan.

Bumisita sa bayan ang mga tagapagtanghal mula sa bansang Poland at Mexico kahapon ng hapon Agosto 16, 2015, mainit na tinanggap ng mga mamayan ng Tboli ang mga bisita, sa pamamagitan ng pag linya ng mga estudyante sa daan na may dala-dalang bandila at naka Tboli attire.

Nagsimula ang munting programa bandang alas 3 ng hapon sa loob ng municipal gymnasium, at hindi na humayaw ang tilian ng mga manood sa mga mananayaw.

Ang bansang Mexico ay inerepresenta ng grupong Ballet Folklorico de Mexico, ang pinagpipitagang Mexican Folkloric Ballet ay nakabase sa Mexico City, itinanghal ng grupo ang iba’t-ibang makukulay na kasuotan na nagpapakita ng tradisyonal na kultura ng Mexico. Ang kanilang mga saway ay inihahalintulad nila sa tardisyonal na pangangaso sa kanilang bansa, kagaya na lamang ng paghuhuli ng mga usa.

Sa kabilang banda, ang grupong Wielkopolanie naman ang nagrepresenta sa bansang Poland, ang grupong ito ay kinula ang kanilang pangalan mula sa kanilang lugar na 
 Weilkopolska, at ipinakita rin ang tradisyonal na musika at pagkanta ng kanilang bayan. Itinanghal rin ng grupo ang kanilang mga tradisyonal na sayaw at nakipaghalubilo pa sa mga manonood sa kanilang sayaw na nagkakapit bisig at umiikot sa buong gymnasium.

Binigyan rin ng pagkakataon na makapagtanghal ang sariling mananayaw ng bayan na inerepresenta ng Tboli National High School Performing Arts sa kanilang pag ganap sa The Legendary Origin of Tboli People.

Isa itong di pangkaraniwang eksperyensya sa bayan na nagdulot na pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan, at bumuo isang pagkakaibigan sa pamamagitan ng pagpapakita ng makukulay na kultura ng isang bayan. 

No comments:

Post a Comment