Nakatanggap
ng insentibo sa ilalim ng programa ng PAyapa at MAsaganang PamayaNAn o (PAMANA) at Bottom-up
Budgeting o (BUB) ang Office of the Municicipal Agriculture ng Tboli, na
ipinagkaloob kahapon, July 30, 2015 sa Regional Center, Carpenter Hill,
Koronadal City.
Umabot sa Forty
Four million, one hundred thirty one thousand sixty six ang kabuuang halaga na
ipinagkaloob sa OMAG na sya namang nakatakdang gagamitin sa lahat ng
ipinapatupad na mga programa nito na kinabibilangan ng High Value Crops
development Program,
Agri-Pinoy Program on Livestock, Small-Scale Irrigation Projects (SSIPs),
Organic Agriculture, Agri-Pinoy Program on Corn, Farm to Market Roads, at iba
pang mga proyekto.
Dumalo din kahapon
ang isang daan at tatlumpong (130) mga magsasaka mula dito sa bayan ng Tboli na
kinabibilangan na rin ng mga empleyado ng OMAG sa pangunguna ni Municipal
Agriculturist Oliva Miramon.
Ayon kay Miramon, sa
isinagawang raffle draw, nakatanggap ng tatlong kalabaw ang tatlong magsasaka
na nag mula sa baryo ng Lamsalome at isang 60 kls.na baboy ang napunta kay Jimbo
Ngato ng Brgy. Kematu.
Inimbitahan din upang dumalo sa
nasabing okasyon sina Agriculture Secretary Alcala,na syang nanguna sa pag
distribute ng halos P1.3 B worth of projects and assistance mula sa
national government para sa grupo ng mga magsasaka at mangingisda at
LGU sa SOCCSKSARGEN Region (Region 12), Mindanao
Development Authority (MinDA) Secretary Luwalhati Antonino at Technical
Education and Skills Development Authority (TESDA) Secretary Joel Villanueva. (by Geraldine Tangcala, picture by OMAG Tboli)
No comments:
Post a Comment