Friday, July 31, 2015

DepEd Tboli, Idinaos ang Municipal Athletic Meet

Nagsimula na kahapon Hulyo 30, 2015 ang Municipal Athletic Meet na pinamumunoan ng DepEd Tboli na magtatapos sa Agosto 1 na ginaganap sa Lugan Central Elemetary School, ang paligsahang pampalakasan ay dinaluhan ng Tboli West at East District at ng mga paaralang pang sekundaryang sakop ng bayan.

Ang municipal meet ay isinagawa para lamang sa mga indibidwal na laro, kagaya ng athletics, badminton, table tennis, chess, taekwondo at iba pa, hiniwalay ang larong inbidwal sa larong pang grupo para matutukan ang bawat sektor ng laro.

Ayon pa ka Gladen Licayan, Principal ng Desawo Elementary School, gayun na rin ang Tournament Manager for Athletics ng Tboli Athletics Association na dahil inihiwalay ang indibidwal at group games ay madodoble ang gastos ng mga paaralan, ngunit mas mainam na rin ito upang lalong mabuhosan ng atensyon ang bawat laro dahil ganito na rin ang patakaran pag dating naman sa South Cotabato Provincial Meet.    

Inaasahang sa darating na buwan ng septyembre naman gaganapin ang Municipal Meet para sa mga group games kagaya ng Volleyball, Football, Basketball, Sepak Takraw, Baseball at marami pang iba.







Ang mga batang magwawagi sa indibidwal na laro ang magiging representante ng bayan para sa gaganaping South Cotabato Provincial Athletic Meet. (photo by Albert Rae BaƱas of Tboli National High School and Abelardo A. Serofia) 

No comments:

Post a Comment