Monday, July 13, 2015

Koponan ng Tboli wagi sa Inter-LGU Basketball Tournament

Tinanghal na kampeon ang koponan ng lokal na pamahalaan ng Tboli sa 1st Gov. Daisy Fuentes Inter-LGU Basketball Tournament kasabay sa pagdadaos ng 49th Foundation anniversary at Tnalak Festival ng lalawigan ng Timog Kutabato.

Ang Torneyo ay sinimulan noong huling linggo ng Mayo, sa labindalawang koponang naglaban para sa kampeonato, pinalad ang koponan ng Tboli sa pamumuno Coach Francis Sagao at pinamamahalaan ni Councilor Abelardo Serofia na makamit ang panalo sa laban nila kahapon ng hapon Hulyo 12, 2015 sa South Cotabato Gym and Cultural Center, laban sa koponan ng Sto. Niño.

Naging mahigpit ang laban sa pagsisimula ng first quarter ngunit napanatili ng Team Tboli ang kanilang kalamangan hanggang sa 2nd quarter, patas naman ang score sa 3rd quarter at nagtapos ang laro sa iskor na 102-96 pabor sa koponan ng Tboli,

Tinanghal naman sa 3rd Place ang team ng Provincial Government of South Cotabato makaraang matalo nila ang Koponan ng bayan ng Lake Sebu.



Nanunuod sa laro sina Mayor Dibu S. Tuan ng Tboli at Mayor Antonio Damandaman ng Sto Niño upang ipakita ang kani-kanilang suporta sa bawat koponan.


Sa kabilang banda, kasabay din ng kompetisyon ay ang Inter-LGU Volleyball Tournament for women, kung saan tinanghal naman na 4th placer ang koponan ng Tboli na pinangungunahan ni Coach Nathaniel San Juan Sr. at pinamamahalaan naman ni Councilor Merlyn Ganchoon makaraang matalo ito sa koponan ng Tantangan sa kanilang laban kahapon ng umaga.

No comments:

Post a Comment