Thursday, July 9, 2015

Dibu Kariton dinala sa Sitio Lamsine

Isa na naming outreach activity ang dala ng Dibu Kariton, ang pangunahing programa ng administrasyong ito sa pamumuno ni Mayor Dibu S. Tuan, ang outreach program ay ginanap sa Sitio Lamsine, Brgy. Sinolon, Tboli, South Cotabato kahapon July 8, 2015.


Ang Dibu Kariton na may tagli na “Bringing the government closer to the people”ay dala-dala ang iilang serbisyo na galing sa lokal na pamahalaan kagaya na lamang ng libreng medical check-up, libreng bunot ng ngipin, libreng tuli at pamimigay ng libreng gamot, kabilang din sa mga programa ang tree planting activity at supplemental feeding, meron ding pagpaprehistro sa civil registrar kabilang na ang birth certificate at marriage certificate, namigay rin ang Municipal Agriculture office ng vegetable seedlings.


Kasabay ng programa ay nagkaroon din ng pagkakataon ang mga opisyal ng minisipyo sa pangunguna ni Mayor Dibu Tuan kasama na si Bise Mayor Grace S. Silva at ailing mga miyembro ng Sangguniang Bayan na makapulonng ang opisyal ng barangay at ang mga sitio leader sa pamamagitan ng isang caucus kung saan ay napag-usapan nila ang mga pangangailangan ng bawat komunidad, at kung paano nila ito masusulosyunan.

Dahil na rin sa init na dala ng panahon, nag-alok ang butihing alkalde ng sampung tubo ng sorbetes para mapawi ang uhaw ng mga mamayan, na dinagsa hindi lamang ng mga bata kabilang na ang mga matatanda at nagkaroon pa ng linya para sa mga senior citizen.


Humigit kumulang isang libo ang dumalo sa nasabing programa at daan-daan rin ang nakatanggap ng iba’t-ibang serbisyong mula sa lokal na pamahalaan.

No comments:

Post a Comment