Hindi naging hadlang ang malakas na pagbuhos ng ulan para sa mga tagapangasiwa na ipagpatuloy ang naka iskedyul nang ground
breaking ceremony ng Hidak Falls Eco-Tourism project sa barangay ng Kematu
kahapon ng umaga Hunyo 24, taong 2015.
Ang
ground breaking ay gaganapin sana sa Hidak Falls area, subalit dahil na rin sa
malakas na pagbuhos ng ulan ito ay inilipat sa Receiving Center ng mga bisita
sa barangay complex ng Kematu.
Bilang isang high-end tourist destination,
ang Hidak Falls ay binansagang “Sanctuary in the Greenwoods” na mayroong temang
tree adventure para sa mga pasilidad nito at sa iba pang atraksyon.
Sa nakaraang mga linggo, pinauna nang
ibinigay ng Department of Tourism Regional Office 12 ang halagang dalawa’t
kalahating milyong piso sa lokal na pamahalaan ng Tboli para gamitin sa unang bahagi ng pagpapatupad ng proyekto.
Sa magkahiwalay na okasyon, sinabi ni
Tourism Officer Designate Rodel Hilado na inaprubahan na ng Tourism
Infrastracture Economic Zone Authority o TIEZA ang dalawandaan at limampung
milyung pisong panukala ng DOT 12 para pundohan ang state-of-the-art
development ng Hidak Falls.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Punong
Barangay Mansueto Dela Peña na siya ay nagpapasalamat sa Panginoon dahil
sinagot nito ang kanilang mga panalangin sa pamamagitan ng pagdating ng
proyektong pang turismo sa kanilang komunidad, na maari nilang
mapakinabangan ang kanilang likas na yaman para sa benepisyo ng mga taong
nakatira rito.
Pinangunahan ni Regional Director Nelly
Nita Dillera ng Department of Tourism 12, kasama sina Vice Mayor Silva at ilang
mga opisyal ng munisipyo at barangay ang pagdiriwang pati na rin ang ceremonial
ground breaking.
No comments:
Post a Comment