Monday, June 15, 2015

Pagbabasbas ng 15 ATV, Isinagawa






Isinagawa kaninang umaga, June 15, 2015 kasabay ng Flag raising ceremony ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng Tboli ang pagbabasbas ng 15 all-terrain vehicles o atv na pinangunahan ni Pastor Elking Maguan kasama na ang opisyal ng bayan sa pamumuno ni Mayor Dibu S. Tuan, mga pinuno ng ibat ibang ahensiya at mga empleyado ng munisipyo.

Ang nasabing mga ATV ay gagamitin para sa programang pang turismo ng bayan, na kung saan ay pwede itong ma-arkelahan ng mga turista papunta sa mga tourist spot ng bayan katulad ng Lake Holon sa Brgy. Salacafe, Bakngeb Cave sa Brgy. Laconon, Hidak Falls sa Brgy. Kematu at ang kabubukas pa lamang na Lamhako El Kini o Hot Spring ng Brgy. Lamhako.

Dumating ang mga motorsiklo noong martes June 9, 2015, mayroong labindalawang piraso ng Loncin 150cc atv na nagkakahalaga ng P145, 000 bawat piraso, dalawang Loncin 250cc atv sa halagang P245, 000 bawat piraso at isang Loncin HS 400 utility terrain vehicle sa halagang P550, 000 na gagamitin naman para sa bagong ayos na childrens playground.

Sa mensahe ni Mayor Tuan, ang mga motorsiklong ito ay  binili para sa paghahanda ng turismo ng bayan, dahil sa dami ng mga proyektong pumapasok para sa programang pang turismo at pagdagsa na rin ng mga turistang bibisita rito.

Sa ngayon ang mga dokumento ay inaayos pa para sa pagpaparenta ng mga ATV sa publiko, kung magkano ba ang presyo o halaga sa pag renta ng bawat piraso o package deal nito.  

No comments:

Post a Comment