Wednesday, June 24, 2015

Joint MADAC, POC & MDRRMC Meeting, Idinaos

Ginanap ang isa na namang pinagsamang Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC), Peace and Order Council (POC) at Municipal Disaster and Risk Reduction Management Council (MDRRMC) Meeting ng bayan ng Tboli sa Conference Hall ng Tboli Municipal Police Station kahapon Hunyo 23, taong 2015, at bilang Local Chief Executive naging tagapangasiwa ng pagpupulong si Mayor Dibu S. Tuan.

Dumalo din sa nasabing pagpupulong sina Vice Mayor Grace S. Silva, ilang miyembro ng Sangguniang Bayan, mga Department Heads ng lokal na pamhalaan, mga punong barangay, pulisya, sundalo at mga miyembro ng nabanggit na mga konseho.

Napag-usapan sa isang araw na pagpupulong kung anu ba ang mga hakbang na dapat gawin para sa ikatatahimik ng bayan at masugpo ang mga krimen lalung-lalo na ang paghihigpit sa batas laban sa ilegal na droga. Kasama rin sa napag-usapan ang pagpapaigting sa seguridad ng mga mamayan sa panahon ng kalamidad.

Dahil na rin sa pagdalo ng mga punong barangay, nagkaroon din ng pagkakataon ang ilang mga sektor na mapa-abot ang kanilang mga ipapatupad na programa para sa mga barangay, kagaya ng pagpapalagay ng mga VAW (Violence Against Womens) Desk sa bawat pamahalaang barangay na tinalakay ni MLGOO Resty Libunao, at ang layuning mag imbita ng dalawang tao mula sa bawat barangay para ipasailalim sa pagsasanay sa basic rescue at fire fighting na tinalakay naman ni SFO4 Winny Fundar ng BFP.

Naging tagapagsalita rin sina Municipal Helath Officer Dra. Josephine Armada para sa isyung tumatalakay sa kalusugan ng bayan at Municipal Environment and Natural Resoursec Officer Julian Asion para naman sa mga isyung may kinalaman sa ating kalikasan.

Sa kanyang mensahe sa pagtatapos ng pagpupulong, sinabi ni Mayor Dibu Tuan na “Sana sa mga taong dumalo ay marami kayong natutunan sa mga isyung ating tinalakay, dahil iba na ang may alam, at maging alerto sa lahat ng panahon, alamin kung sinu-sinong mga otoridad ang dapat lapitan sa panahon ng krimen at kalamidad”.

   

No comments:

Post a Comment