Tuesday, June 16, 2015

MSWDO, namahagi ng Bigas sa mga magsasakang na apektuhan ng tag-tuyot



Namahagi ng bigas ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) nang lokal na pamahalaan ng Tboli para sa mga magsasakang  na apektuhan ng matinding tag tuyot noong nakaraang buwan.

Ayon sa Department of Agriculture ay nagkaka halaga ng mahigit  (P51,957,880.00) Fifty one million, nine hundred fifty seven thousand eight hundred eighty pesos  ang mga napinsalang pananim at mga alagang hayop ng mga magbubukid ang apektado.

Ang Rice assistance na ipinamahagi ng LGU Tboli ay galing naman sa calamity fund upang ibahagi ang kaunting tulong sa mga magsasaka.


Ayon kay Municipal Social Welfare and Development Officer Thelma V. Gedoria (MSWDO) nasa syam (9) na mga barangay na ang nakakuha ng Rice assistance na  ipinamahagi sa bawat  pamilya.  Kasalukuyan pa ring namamahagi  ng bigas ang LGU Tboli sa iba pang mga brgy. sa nasabing bayan.

No comments:

Post a Comment