Nakiisa ang
bayan ng Tboli sa pag diriwang ng ika isang daan at labimpitong kasarinlan ng
bansang Pilipinas noong biyernes Hunyo 12, taong 2015 na pinangunahan ni Hon.
Mayor Dibu S. Tuan, Vice Mayor Grace S. Silva at mga miyembro ng sangguniang
bayan, kasama na rin ang mga empleyado ng munisipyo at ilang ahensiya ng
gobyerno, ito ay idinaos sa unang pagkakataon sa baranggay Lamhaku, kasabay na
rin ng pagbubukas ng Receiving Center ng Lamhaku El Kini o hot spring.
Matapos ang
pagbibigay pugay sa watawat ng Pilipinas sa pamamagitan ng Flag raising
ceremony at pag-aalay ng mga bulaklak, ay nagkaroon ng kaunting programa para
sa pormal na pagbubukas ng Lamhaku El Kini o Hot Spring at nagsagawa ng ribbon
cutting ceremony sa receving center nito.
Sinubukan rin
sa unang pagkakataon ang mga bagong biling ATV o all-terrain vehicle papunta sa
Hot Spring, ayon pa kay mayor Tuan ang daan papunta sa doon ay “ATV friendly” o
maayos ang daan para sa mga motorsiklong ito.
No comments:
Post a Comment