Tuesday, June 30, 2015

Tree planting activity sa pagdiriwang ng World Arbor Day

Sa pagdiriwang ng World Arbor Day, isang tree planting activity ang isinagawa ng lokal na pamahalaan ng Tboli sa pamumuno ni Mayor Dibu S. Tuan kahapon Hunyo 29, 2015 sa Sitio Kule, Barangay Salacafe ng nasbing bayan, ito ay dinaluhan ng grupong Scott Riders Philippines Inc. (South Cotabato Chapter) na pinangungunahan ng kilalang motocross rider sa lalawigan na si Nonoy Zambra at sampu ng kanyang mga kasama.

Isinagawa ang pagtatanim ng mga punong kahoy sa isa’t kalahating ektaryang area ng bagong school site ng Salacafe Elementary School - Kule Extension na pinagtulong-tulongan ng mga tao sa kumunidad na maitayo ang bagong paaralan. Kasabay na rin nito ay ang pagdaos ng Dibu Kartion isa sa pangunahing programa ng administrasyon ngayon.

Bilang adbokasiya ng grupong Scott Riders, sila ay umiikot sa mga bayan sa lalawigan gamit ang kani-kanilang mga motorsiklo upang maipaabot sa mga kumunidad na kailangan pangalagaan ang ating kapaligiran, magtanim ng mga punong kahoy at iwasan ang pagputol nito.



No comments:

Post a Comment